food trip?

Kaninang umaga, binigyan na naman ako ni Raygin ng Skittles. Haha! Parang may supply ng Skittles eh. =)) But this time, yung favorite kong Wild Berry yung binigay nya. :D

Nagpabili ako sa sis kong si Julien ng “champoy” yung may candy… Familiar kayo dun? Ang sarap nun eh. :D Favorite ko yun nung high school ako kaso wala na kong makita nun sa iba. Sa canteen ko lang kasi nabibili yun kaya ayan nagpabili ako sa kanya.

Kanina, sinabi ng momi kong pupunta sila sa Walter Mart kasi magbabayad daw sila sa Bayad Center para sa internet connection namin. So, sumama ako. Nakakabagot kasi sa bahay. Naalala kong bibili dapat ako nito nung nag-Robinson ako, pero hindi ako nakabili kasi kulang na yung pera ko. Kaya ayan bumili ako ng tatlo! Hahaha. Ang sarap nito! Gusto ko pa nito… Yung madaming madami! :D

Kayo? Anong kwentong food trip nyo? :D

View text
  • #Skittles #champoy #kinder bueno #food #pau pix
  • 3 years ago
  • 8
x